(via andreavlln)
via ohsopictures
(via ohsopictures)
Sana EQ diapers ka nalang. Para di plastic mag- alaga!

Ang no name tropa. *bow*
Graduate na silang tatlo. Sila Aizzah, Lourdes at Regina. Tapos na ang Highschool life nila. Kami na lang ni Izzah ang matitira. Ako, incoming Junior. Si Izzah, incoming Sophomore.
Magkakaroon na kami ng kanya-kanyang buhay next school year. Sila Aizzah at Lourdes, mag-kokolehiyo sa UST at si Regina naman sa Beda. Habang kami naman ni Izzah, aalis na sa RMM. Ako, mag-jujunior na ako sa St. Paul habang siya ay mag-ssophomore sa Beda.
Nakakalungkot lang diba? Hindi na kami magkikita araw-araw sa isang maliit na paaralan. Hindi na kami magkakasama-sama kapag 3 o’clock na para gumala. Hindi na kami mag-aaway away kung saan tatambay.
Wala na akong tatakbuhan kapag may problema ako. Wala na akong haharutin kapag hinahyper ako. Wala na akong ra-rapin ng bonggang-bongga. Wala na din ang kukuha ng C2 ko sa baunan ko para inuman habang nagkaklase pa ako. Wala na akong sisilipin sa 4th Year classroom tuwing pupunta akong CR. Wala na din sasysay ang pag-tingin ko sa likod tuwing Flag Ceremony dahil wala na kayo.
Dumating na nga ang araw na pinaka-kinakatakutan ko. Ang Graduation Day niyo. Ang araw na yun ang nag-bukas sa aking mga mata na “Ito na yun. Mawawala na sila. Ako na lang mag-isa.” Sa mga panahon na iniisip ko yan, sobrang natatakot ako na mapag-isa. Kaya hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Ayun, panay patak.
Good luck sa college life niyo. Asahan niyo na din na di na tayo magkikita araw-araw di katulad dati. Well, ganun talaga ang buhay. Wala tayong magagawa. Huhu.
Maraming salamat sa inyo sa pagkukumpleto ng High School Life ko sa RMM. Kung wala kayo, siguradong miserable ‘to. Sana i-extend pa itong school year na ito para makasama ko pa kayo ng matagalan. Haay buhay. Basta tandaan niyo, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo. :)
No internet for a week.
Nakakainis mai nagnakaw daw ng cable ng internet sa gatchalian 1 kaya un.











